Isang ina, mambabatas at advocate.
Si Risa ay halimbawa ng isang lider na may komitment at dedikasyon. Sa kabila ng kanyang pagiging mahinahon at mapagkalinga, siya ay masigasig, matatag at lumalaban.
Si Risa ay dating kinatawan ng Akbayan Partylist mula 2004- 2010. Bilang aktibong kongresista, siya ang may akda ng Cheaper Medicines Law, Income Tax Reduction for Minimum Wage Earners, at Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (CARPER). Siya rin ang may-akda ng RH Bill (na isa na ngayong batas) sa ika-13 at ika-14 na Kongreso.
Kahit na sa loob at labas ng kongreso, patuloy na isinulong ni Risa ang kanyang adbokasiya para sa karapatan ng kababaihan, karapatang pantao, kapayapaan, reporma sa kalusugan, maayos na paggogobyerno at pangangalaga sa kalikasan.
Bago pa pumasok sa pulitika si Risa, nagtrabaho siya bilang broadcaster at news anchor sa mga pangunahing TV networks sa bansa. Si Risa ay Golden Dove Awardee for Best Female Broadcaster ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas.
Pagkatapos ng kanyang pagtatrabaho sa media, naging bahagi siya ng government peace panel at kinilala ng Philippine Jaycess sa kanyang adbokasiya para sa kapayapaan. Kinilala rin ang mga nagawa ni Risa nang mahirang siya bilang isa sa Ten Outstanding Young Men (TOYM) sa ating bansa
Siya ay nabalo kay Col. Francisco Baraquel, isang respetadong opisyal mula sa PMA Sinagtala Class of 1986. Sa kabila ng malungkot na pangyayari, itinuloy pa rin ni Risa ang magandang laban. Nagpamalas siya ng lakas at marubdob na komitment sa gitna ng mga matinding pagsubok.
Si Risa ay nanay sa apat na anak, isang lalake at 3 babae. Siya ay “hands on” na nanay. Kahit sa gitna ng kanyang busy iskedyul, tinitiyak niya na siya ang naghahatid sa mga bata sa eskwela at nagbibigay ng oras sa kanilang pagpapalaki.
Ano ang Ipaglalaban ni Risa sa Senado?
Good Governance (Matuwid na Pamamahala)
Mabuti at maayos na pamamahala ang una para kay Risa. Isusulong niya ang pagpapalakas ng mga pampublikong institusyon tulad ng Senado upang higit na makalikha ng mahahalagang batas para sa mamamayan lalo na sa usapin ng serbisyong panllipunan, lokal na pamamahala at karapatang pantao.
Anti Corruption (Laban sa Korapsyon)
Nakilala si Risa bilang masugid na tagapagsulong ng laban sa korapsyon. Maging ito pa man ay pinakamataas na lider ng bansa o karaniwang tiwaling opisyal ng gobyerno, Bilang Senador, gagamitin ni Risa ang kapangyarihan ng Senado upang imbestigahan ang mga kaso ng korapsyon at pandarambong upang lumabas ang katotohanan at makamit ang katarungan para sa mamamayan.

Womens’ Rights (Karapatan ng Kababaihan)
Bilang isang babae at nanay, isusulong ni Risa ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng kasarian. Ipagpapatuloy niya ang paglikha ng batas para sa higit na partisipasyon ng mga kababaihan sa pamamahala at laban sa anumang uri ng diskriminasyon.
Universal Health Care (Kalusugang Pangkalahatan)
Ang magiging sentro ng social reform agenda ni Risa ay ang paghahatid ng universal health care o kumprehensibong programang pangkalusugan para sa mga Pilipino. Ang kanyang adbokasiya upang maisabatas ang Cheaper Medicines Law sa Kongreso ay isang mahalagang hakbang upang makamit ito. Bilang Senador, ipaglalaban ni Risa na lahat ng Pilipino ay may PhilHealth at pagpapalawak ng mga pampublilkong serbisyong pangkalusugan.
Kailangan ni Risa ang Tulong natin
Sa darating na Mayo 2013, tayo ay may pagkakataon upang mabago ang kalagayan ng ating bansa at bigyan ng tunay na diwa ang magaganap na halalan.
Ngayon tayo ay may napakagandang pagkakataon sa pamamagitan ni Risa Hontiveros. Kung nais natin ng tunay na pagbabago sa ating bayan, kailangan nating kumilos. Sa darating na halalan, nasa atin ang kapangyarihan upang mag desisyon.
Kayat hinihikayat namin ang bawat isa na isakatuparan natin ang pangarap nating PAGBABAGO. Simulan natin sa pagsuporta sa kampanya ni RISA HONTIVEROS. At sa ating pagsasama-sama, dalhin natin ang magandang laban ni Risa sa Senado.
Maganda ang Laban. Maganda ang Bukas.